^

Probinsiya

Bebot kinatay ng selosong live-in partner

Jorge Hallare - Pilipino Star Ngayon
Bebot kinatay ng selosong live-in partner
Sinubukan pang isugod sa pagamutan pero hindi na umabot nang buhay ang biktima na kinilalang si Ca­therine Pacheco Campa habang sumuko sa awtoridad ang live-in partner nitong si Daniel Ortega, 30-anyos; kapwa residente ng naturang lugar.
STAR/ File

Sa harap ng mga kainuman

PILI, Camarines Sur – Karumal-dumal na kamatayan ang sinapit ng 27-anyos na babae matapos pagsasaksakin sa harap ng kanyang mga kainuman ng mismong live-in partner nito sa Sitio Lourdes, Brgy. Sagrada sa bayan ng Pili, Camarines Sur kamakalawa ng gabi.

Sinubukan pang isugod sa pagamutan pero hindi na umabot nang buhay ang biktima na kinilalang si Ca­therine Pacheco Campa habang sumuko sa awtoridad ang live-in partner nitong si Daniel Ortega, 30-anyos; kapwa residente ng naturang lugar.

Sa ulat, pasado alas-8 ng gabi, nakiki­pag-inuman umano si Campa sa kanyang mga katrabaho sa isang tindahan malapit sa kanilang bahay nang dumating ang kanyang kinakasamang suspek at nagkaroon sila roon ng mainitang pagtatalo.

Sa galit ng lalaki, bumunot siya ng patalim at inundayan ng sunud-sunod na saksak ang kinakasama na duguang humandusay sa harap ng mga nabig­lang kainuman ng huli.

Selos ang nakikitang motibo sa pamamaslang maliban sa dati nang nag-aaway umano ang magka-live in.

Matapos ang pana­naksak sa babae, sumuko ang suspek na nahaharap ngayon sa kasong murder.

vuukle comment

SAGRADA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with