Shabu dealer na konektado sa Dawlah timbog

Ang nadakip na shabu dealer na si Ibrahim Sally (nakaupo) na may koneksyon sa Dawlah Islamiya, habang sinisiyasat ng awtoridad matapos ang operasyon sa Koronadal City.
John Unsonk

COTABATO CITY, Philippines — Nasamsam ng mga anti-narcotics agents ang P408,000 na halaga ng shabu mula sa isang hinihinalang drug dealer na taga-Maguindanao del Sur at konektado sa Dawlah Islamiya na na-entrap nitong Huwebes sa Koronadal City.

Ayon kay Aileen Lovitos, director ng Philippine Drug Enforcement-12, agad na inaresto si Ibrahim Tininti Sally, alias Kobe, residente ng Datu Anggal Midtimang, Maguindanao del Sur nang mabilhan ng kanilang mga agent ng shabu sa isang entrapment operation sa Barangay Zone III sa Koronadal City nitong umaga ng Huwebes.

Ilang mga opisyal ng Maguindanao del Sur Provincial Police Office ng 6th Infantry Division ng Philippine Army ang nagkumpirma na may koneksyon si Sally sa Dawlah Islamiya na ki­lala sa pabibigay ng proteksyon sa mga nagbebenta ng shabu kapalit ng pera.

Ayon kay Lovitos, sasampahan ng kasong pag­labag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 ang suspect gamit ang shabu na nakumpiska sa kanya bilang ebidensya.

Show comments