Buong lalawigan ng Quezon, ‘insurgency free’ na

CAMP NAKAR, Lucena City, Philippines — Idineklara nang “insurgency free”  ang buong lalawigan ng Quezon makaraang maisagawa kahapon ang paglagda sa Memorandum Understanding (MOU) na nagtatakda sa bayan ng Sariaya bilang pang-41 munisipalidad sa lalawigan na nasa ilalim na ng Stable Internal Peace and Security (SIPS).

Ayon sa pahayag ni APL-SL commander Lt. General Roderick Armamento at Quezon PNP Director PCol. Ledon Monte, may posibilidad na itaon sa araw ng kalayaan sa Lunes (June 12, 2023) pormal na ide­deklara ang lalawigan ng Quezon bilang “Insurgency Free Province.”

Nakumpleto na ang 39 na munisipalidad at dalawang lungsod sa Quezon na malaya na sa “kuko” ng mga rebeldeng New People’s Army (NPA) at nangangahulugan ito na mawawalan na ng agam-agam ang mga negosyante na maglagak ng kanilang mga negosyo rito na magdadala naman sa pag-angat ng ekonomiya sa lalawigan.

Sinabi naman ni Governor Dra. Helen Tan na ma­laking bagay na maideklarang insurgency free province ang lalawigan upang malayang maipaabot ang serbisyo ng pamahalaan lalo na sa mga malalayong barangay na dati ay infiltrated o pinamumugaran ng mga rebelde.

Show comments