Merchandiser tiklo sa 577 gramo ng marijuana

CAVITE, Philippines — Nasabat ng pulisya ang isang 27 anyos na merchandiser na kasama sa high value target (HVT) matapos mahulihan ng 577 gramo ng high grade cannabis o marijuana kahapon ng umaga sa Brgy. Pasong Camachile 2, Gen. Trias City.

Nahaharap sa mga kasong paglabag sa Sec. 5 at Sec. 11 ng RA 9165 (Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002) ang suspek na nakilalang si Marco Quiñanola, 26-anyos at residente ng Blk 103 Lot 3 Ph4, Maricris Complex, Brgy. Pasong Camachille 2, Gen. Trias City, Cavite.

Sa ulat sa tanggapan ni Cavite Provincial Director Police Col Christopher Olazo, alas-10:50  ng umaga nang maglatag ng buy-bust ang Provincial Drug Enforcement Unit, Cavite Provincial Office sa pa­ngunguna ni Police Captain Pelecio Cruzada at Gen. Trias City Police laban sa suspek.

May ilang beses na umanong isinailalim sa surveillance ang suspek bago ikinasa ang operasyon

Narekober dito ang  3-medium zip lock bag na naglalaman ng mga pinatuyong da­­hon ng  marijuana at kush,  isang piraso ng half brick ng marijua­na na may timbang na 543 gra­mo at may ha­la­­gang  P65, 160.00; 34 gramo ng kush na may hala­gang P51,000, buy-bust money, cellphone at isang backpack.

Show comments