^

Probinsiya

50 mag-aaral nalason sa ‘saging con tawas’

John Unson - Pilipino Star Ngayon

Napagkamalang asukal sa school canteen

COTABATO CITY, Philippines — Naospital ang halos 50 na batang mag-aaral sa isang public elementary school sa Mlang, Cotabato matapos kumain ng pritong saging na na­lagyan ng “tawas” na napagkalamang asukal ng nagluto sa kanilang school canteen habang nasa labas sila ng mga silid-aralan para mag-recess nitong Martes.

Kinumpirma nitong Miyerkules ng manggagamot na si Glecerio Sotea, municipal health officer ng Mlang, ang pangyayari na, ayon sa kanya, ay talagang aksidente lang batay sa kanilang ginawang pagsisiyasat gamit ang mga imaheng kuha ng mga security cameras sa paligid ng campus ng Palma Perez Elementary School, isang pampublikong paaralan.

Unang sumakit ang ulo ng mga bata bago nagsimulang magsuka at sumakit ang mga tiyan.

Ayon kay Sotea, agad naman nilang nabigyan ng medical support ang mga bata at 15 na lang sa kanila ang naiwan pa sa isang ospital kung saan sila isinugod.

Ayon kay Sotea, napagkamalang asukal ang nagiling na tawas na nai­lagay ng gumawa ng “pinaypay” o tradisyonal na pritong hiniwa-hiwang saging na saba o cardava na may asukal at harina na ibinebenta naman sa mga estudyante.

Ang naturang tawas na aksidenteng napagkalamang asukal ay para umano i-repack sana upang maibenta ng tingi-tingi, ayon sa mga lokal na kinauukulan na nag-imbestiga sa insidente.

Ang tawas o Alum, ay nagtataglay ng magkahalong hydrated potassium aluminum sulfate, ammonium aluminum sulfate, at sodium aluminum sulfate na karaniwang ginagamit na deodorant, gamot sa mga singaw sa labi o sa bibig, at pampaputi ng kutis.

ASUKAL

SCHOOL

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with