TAYABAS CITY, Philippines — Isang Philippine serpent eagle ang pinakawalan sa Alitao River, sa lungsod na ito sa pangunguna ng DENR-CENRO Tayabas katuwang ang lokal na pamahalaan at pamunuan ng Brgy. Alitao kamakalawa.
Ayon sa Department of Environment and Natural Resources (DENR)Calabarzon, boluntaryong inilipat ng mga kawani ng CENRO sa pangangalaga ng kanilang tanggapan ang nasabing ibon na agad namang pinakawalan.
Bago ito ay sumailalim muna ang wildlife sa medical evaluations ng City Veterinarian, kung saan naobserbahan at inirekomendang ibalik na ito sa natural na tirahan upang mabawasan ang stress.
Ang pagpapakawala sa ibon ay alinsunod sa RA 9147 o ang Wildlife Conservation and Protection Act of 2001, na isinasaad na protektahan at itaguyod ang ecological balance at biological diversity para sa preserbasyon at proteksyon ng wildlife species at kanilang natural na tirahan.