‘Basag-Kotse’ umatake, Batangas councilor nabiktima

Sa lungsod ng Sto. Tomas, dumulog sa himpilan ng pulisya si Ta­nauan City Councilor Eric Manglo upang ireport na natagpuan niyang basag ang bintana ng kanyang sasakyan habang nakaparada sa parking lot ng isang restaurant sa Poblacion 2, Sto. Tomas City bandang alas-7 ng gabi noong Linggo. 

BATANGAS, Philippines — Muling sumalakay ang “Basag-Kotse Gang” matapos sunud-sunod na kasong pagnanakaw ang naitala dito sa lalawigan kung saan nabiktima ang isang city councilor nitong nakalipas na araw. 

Sa lungsod ng Sto. Tomas, dumulog sa himpilan ng pulisya si Ta­nauan City Councilor Eric Manglo upang ireport na natagpuan niyang basag ang bintana ng kanyang sasakyan habang nakaparada sa parking lot ng isang restaurant sa Poblacion 2, Sto. Tomas City bandang alas-7 ng gabi noong Linggo. 

Nawawala ang isang sling bag ni Konsehal Manglo kasama ang tatlong passbook, isang checkbook at mga susi sa insidente.

Sa lungsod ng Tanauan, nabiktima rin ng basag-kotse ang 23-anyos na estudyante na si Don Angelo Joson habang nakaparada sa kahabaan ng JP Laurel National Highway, Poblacion 5 noon ding Linggo bandang alas-8:40 ng gabi. Nakuha mula sa kotse ni Joson ang isang Apple Macbook Pro laptop at Sony DSLR camera. 

Batay sa nakalap na CCTV footage, tatlong suspek na sakay ng dalawang motorsiklo ang pawang nagbasag at nagnakaw sa gamit ng biktima. 

Samantala, isang sa­ngay ng Alfamart sa Brgy. San Pedro, Sto. Tomas City ang pinasok ng dalawang armadong suspek at nagdeklara ng holdap noong Martes bandang alas-3:15 ng umaga. Pilit na pinabuksan ng mga suspek ang vault ng tindahan habang nakatutok ang baril sa kahera. 

Natangay ng mga suspek na pawang nakasuot ng face mask at jacket ang P191,000 bago sumibat sakay ng isang kotse patungo sa Padre Pio at pumasok sa direksyon ng Barangay San Luis, Sta Teresita at Sta Cruz. 

Show comments