^

Probinsiya

Holdaper nang-agaw ng baril, binoga ng pulis

Tony Sandoval - Pilipino Star Ngayon

Tiaong, Quezon, Philippines — Ospital ang kinahantungan ng isang holdaper makaraang barilin ng isang pulis na inagawan niya ng baril kamakalawa sa Maharlika highway, Barangay Talisay sa bayang ito.

Ginagamot ngayon sa Peter Paul Hospital sa Candelaria Hospital dahil sa isang tama ng bala ng caliber 9mm sa binti ang suspek na si Christopher Perez, 25, ng Barangay Masin Sur, Candelaria, Quezon habang tinutugis na ng mga otoridad ang kasama nitong si alyas “Liokay”.

Batay sa imbestigasyon, nagpapatrolya sa bisinidad ng Maharlika Highway sakay ng mobile patrol sina PSMS Shane Sokoken at Cpl. Totilo Andal dakong alas-6:00 ng umaga nang lumapit sa kanila at humingi ng tulong ang biktimang si Riza Ozuna, 46, na hinoldap umano ng dalawang lalaki.

Sa operasyson ng mga awtoridad, mabilis na nasakote si Perez habang sakay ng isang motorsiklo. Gayunman, habang pinoposasan, inagaw umano nito ang service firearm ni Sokoken kung kaya’t binaril na ito ng kasamang pulis sa binti.

Sinamantala naman ng kasamahan ng suspek ang pagkakataon para tumakas.

Nabawi ng mga otoridad buhat sa suspek ang mga kinulimbat nilang pera at cellphone mula sa hinoldap nilang babae.

Bukod sa kasong robbery/hold-up, nahaharap ang naarestong uspek sa paglabag sa BP 6 at RA 9165 dahil nakum­piskahan ito ng dalawang patalim at suspected shabu na nagkakahalaga ng P20,400.

vuukle comment

CANDELARIA HOSPITAL

PULIS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with