^

Probinsiya

87 pawikan na nahuli sa Quezon, pinakawalan

Tony Sandoval - Pilipino Star Ngayon

SARIAYA, Quezon, Philippines — Umaabot sa 87 marine turtle hatchlings (olive ridley sea turtle) o pawikan ang pinakawalan sa baybay dagat ng Brgy. Bignay 2, Sariaya, Quezon kahapon.

Ang aktibidad ay di­na­luhan ng mga kawani mula sa City Environment and Natural Resources Office (CENRO) Tayabas,  Municipal Environment and Natural Resources Office sa pamumuno ni Roda Valenzuela; Muni­cipal Agriculture Office sa pangunguna ni Nelia Oribe; Bantay Dagat, at Barangay Officials ng Bignay 2.

Samantala, patuloy na ipinapaalala ng CENRO Tayabas sa publiko na ayon sa Department Ad­ministrative Order No. 2019-09, ang olive ridley ay kasama sa listahan na itinuturing na “endangered” at kailangan protektahan sa ilalim ng Republic Act No. 9147 (Wildlife Resources Con­servation and Protection Act of 2001).

Ipinagbabawal sa batas ang paghuli, pagkolekta, pagbebenta at pag-aalaga ng mga pa­­wikan gaya ng olive ridley at iba pang mga “endan­gered” na hayop.

PAWIKAN

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with