5 tinamaan ng paputok sa Calabarzon
Sa pagsalubong ng Bagong Taon
MANILA, Philippines — Lima katao ang sugatan sa pagsalubong sa Bagong Taon sa Calabarzon (Cavite, Laguna, Batangas, Rizal, Quezon) area.
Batay sa inisyal na ulat ng Calabarzon Police Regional Office, dalawa katao ang nasugatan sa Cavite, dalawa sa Rizal, at isa naman sa Laguna.
Sa nasabing bilang, isang 10-anyos na batang lalaki rin sa bayan ng General Mariano Alvarez, Cavite ay sugatan sa ulo at kamay matapos mabagsakan ng mga bahagi ng pumutok na kuwitis.
Sa Barangay San Gabriel ng nasabi ring lungsod, sugatan din ang 19-anyos na binata matapos sumabog sa kanyang kamay ang sinisindihang kuwitis.
Sa Morong, Rizal isang binata ang nasabugan sa kamay ng whistle bomb sa Brgy. San Pedro, habang isang dalagita sa Brgy. Maybancal ang naputukan din sa kamay ng super bawang.
Sa Barangay Tungkod sa Sta. Maria, Laguna, isang 54-anyos na lalaki ang nasabugan sa kamay ng pla-pla na sinindihan ng kanyang kapitbahay.
Dagdag ng pulisya, minor injuries lang ang tinamo ng mga naturang biktima ng mga paputok.
- Latest