^

Probinsiya

‘Most wanted’ ng Bicol, nalambat sa Cavite

Cristina Timbang - Pilipino Star Ngayon

CAVITE, Philippines — Arestado ang tinaguriang Number 1 Most Wanted Person (MWP) ng lalawigan ng Bicol sa isinagawang ope­rasyon ng pulisya, kamakalawa ng hapon sa Barangay Amaya, bayan ng Tanza sa lalawigang ito.

Kinilala ng pulisya ang suspek na si Rey Rondina Cueva alyas “Ka Boklan at “Ka Jimbo” ng Sitio Kabikuhan, Brgy. Luna Placer, Masbate at nagtago sa Cavite.

Sa nakalap na ulat mula kay Police Col. Christopher Olazo, nakipag-coordinate ang Police Regional Special Operation Unit-Regional Intelligence Division 5, Masbate Police Provincial Office, National Bureau of Investigation (NBI) Cavite North District, at Philippine Army sa Cavite Police matapos na makatanggap ng tip na nasa Cavite namataan ang MWP na si Cueva.

Bitbit ng grupo ang da­lawang warrant of arrests para sa mga kasong murder at Anti-Terrorism Act of 2020 o RA 11479 na pa­wang walang inirekomendang piyansa at tinungo ang lugar kung saan nagtatago ang suspek.

Natiyempuhan naman ang suspek sa tinutuluyan nito sa Barangay Amaya, Tanza, Cavite na hindi na nakapalag pa nang posasan ng grupo.

Ang suspek ay nakatala bilang Number 1 Regional MWP at kasalukuyang aktibong miyembro ng “Luding Tulingin Group” na pinamumunuan ng isang Ka “Dadi” o Ka “Hernan”.

Nabatid na naging commanding officer ng Platoon 1, Larangan 2, Komite ng Probinsya 4, Bicol Regional Party Committee (BRPC) ang biktima at kasama rin sa Special Partisan Unit ng NPA na siyang humahawak sa mga high-profile assassination mission laban sa mga government emplo­yees at mga inosenteng sibilyan na kadalasan ay sa 3rd district ng Masbate sa ilalim ng Squad ng Reynaldo Mollejon o “Ka RM”.

Pinuri naman at pinarangalan ni Police Brigider Gen. Rudolph Dimas, regional director ng PRO5 ang buong operating team sa matagumpay na pagkakadakip ng nasabing MWP.

vuukle comment

MOST WANTED

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with