MANILA, Philippines — Isang most wanted person sa Mexico, Pampanga ang naaresto ng mga otoridad.
Sa pahayag ng Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) na kanilang naaresto ang suspek na si Edwin Caballa Pineda sa bisa ng arrest warrant.
Si Pineda ay wanted sa dalawang bilang ng kasong paglabag sa section 5(b) of Republic Act no. 9262, o Anti-Violence Against Women and Children Act of 2004.
Nakakulong na si Pineda sa CIDG Pampanga Provincial Field Unit office para sa documentation at disposition.