Pinoy nurse, doktor nasagip dayuhang 'kritikal' kondisyon habang nasa eroplano
MANILA, Philippines — Nailigtas ng isang Filipino nurse at ilang doktor ang isang banyagang nasa 50-anyos matapos mawalan ng malay at mahirapang huminga habang nagkakararanas ng seizures.
Ito ang ibinahagi ng pamahalaang lungsod ng Tagum, Davao del Norte nitong Huwebes sa kanilang social media page matapos ang kabayanihang ipinamalas nina Dr. Flor Andres ng Davao de Oro Provincial Hospital at nurse Jimwell Damag Paculba ng Tagum Medical City.
"Tough scene this morning on my flight to Manila when one of the passengers suddenly complained of pounding chest pain," wika ni Paculba nitong Miyerkules, na siyang bumabiyahe noon mula Davao papuntang Maynila.
"A flight attendant called for any medical professionals on the deck and luckily 4 persons (doctors) went in."
Noong una'y inakala na niyang naapula na ang sitwasyon ngunit napansin daw ni Paculba na lalong naging agitated ang mga attendants, dahilan para puntahan na niya ang pasyenteng Caucasian.
Nakita na raw niyang naglabas ng medical kit ang isa sa mga staff habang naririnig ang isa sa mga doktor na nagsasabing dapat nang makabitan ng dextrose ang banyaga.
"[S]o I introduced myself as an ER nurse and jumped in. Luckily hit the vein once, checked the [blood pressure] and is fatally low, quickly positioned flat and we attempted to stabilize the patient," dagdag pa niya.
"Felt relieved when the patient woke up and I asked him if he is okay, he gave me a thumbs up sign. He's vitals are in a very bad shape and he needs an [intensive care unit] admission so our medical team leader decided for an emergency landing at Mactan International Airport, Cebu."
Mahaba at nakakatakot daw ang naturang biyahe ngunit nagpapasalamat ang nurse lalo na't naging maganda ang kinalabasan ng kanilang pagresponde.
Nagpaabot naman ng pasasalamat ang City Government of Tagum sa mga naturang healthcare professionals lalo na't nakapagligtas sila ng buhay.
"Our health care professionals, our heroes. Saludo kami kaninyo, bayaning Tagumenyo!" sabi ng LGU.
- Latest