^

Probinsiya

Beach resort inatake: 3 sekyu niratrat

Tony Sandoval - Pilipino Star Ngayon
Beach resort inatake: 3 sekyu niratrat
Ang mga biktima na nagtamo ng mga tama ng bala ng hindi pa batid na kalibre ng baril sa katawan at ginagamot sa Quezon Medical Center (QMC) sa Lucena City ay kinilalang sina Muslim Lim, 21-anyos; Norodin Ebrahim, 32, at Esmael Panalandang, 29; pawang empleyado ng Logical Mines Agency.
STAR/ File

SARIAYA, Quezon, Philippines — Sugatan ang tatlong security guard ng isang beach resort makaraang umatake ang limang hindi nakikilalang lalaki, ka­makalawa sa Sitio Dalampasigan, Barangay Guisguis ng bayang ito.

Ang mga biktima na nagtamo ng mga tama ng bala ng hindi pa batid na kalibre ng baril sa katawan at ginagamot sa Quezon Medical Center (QMC) sa Lucena City ay kinilalang sina Muslim Lim, 21-anyos; Norodin Ebrahim, 32, at Esmael Panalandang, 29; pawang empleyado ng Logical Mines Agency.

Ayon kay PLt. Col. William Angway, chief of police rito, habang nasa harapan ng gate ng binabantayang 12 ektaryang beach resort ang mga biktima nang biglang dumating ang isang kulay puting van na walang plaka at bumaba ang limang lalaki na ang isa ay agad nagpaulan ng punglo sa kinatatayuan ng mga guwardya.

Bagama’t sugatan ay nagawang paputukan ng isang guwardya ang nasabing van kung kaya’t mabilis na tumakas ang mga armadong suspek.

Ayon kay Angway, tinitingnan nila ang anggulong awayan sa lupa ang motibo sa insidente.

Inookupahan umano ang lupaing malapit sa dagat ng mahigit isang daang tenant at 14 na maliliit na beach resort owner.

vuukle comment

WILLIAM ANGWAY

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with