Kotse lumipad, rumampa sa center island, driver dedo

CAVITE, Philippines — Isang driver ang nasawi makaraang lumipad ang kanyang sinasakyang kotse at rumampa sa center island habang bumabagtas sa kahabaan ng Molino Blvd., sa Barangay Niog 2, Bacoor City kahapon ng umaga.

Hindi na naisalba pa ang buhay sa ospital ng biktimang si Gus Daniel Bisnar Gozar, nasa hustong gulang at residente ng Niog 2, Bacoor City, Cavite.

Sa imbestigasyon ng pulisya, alas-9 ng umaga habang minamaneho ng biktima ang kanyang Hyundai Getz na may plakang NAQ 631 na kabilisan ang takbo sa nasabing lugar patungo ng Molino direction nang hindi nito mapansin ang center island kaya dire-diretsong rumampa at tuluyang lumipad.

Wasak at nagkayupi-yupi ang sasakyan dahil sa matinding pagbagsak nito sa kalsada kung saan naipit pa sa loob ang katawan ng biktima.

Nabalian umano ng spinal cord ang biktima na sanhi ng kaniyang kamatayan.

Show comments