Miyembro ng ‘Uzman Drug Group’ nalambat

CAVITE, Philippines — Arestado ang miyembro ng isang kilabot na drug syndicate sa isinagawang anti-drug operation ng pulisya kamakalawa ng gabi sa Arnaldo Highway, Brgy. San Francisco, Gen. Trias City.

Kinilala ang nadakip na suspek na si Jade Sawaldi, miyembro ng “Uzman Drug Group” at nakatala sa pulisya bilang high value individual (HVI).

Sa nakalap na ulat mula sa Cavite Police-Provincial Intelligence Unit (PIU), alas-6:10 ng gabi nang ilatag ng grupo ang buy-bust operation laban sa suspek.

Kasama sa operasyon ang Provincial Drug Enforcement Unit (PDEU),  Cavite PPO, Regional PNP Drug Enforcement Unit (RPDEU) Statewide Drug Enforcement Unit (SDEU) at Gen. Trias Police kung saan naaresto ng mga ito ang suspek.

Narekober sa suspek ang 2-plastic sachet ng shabu na nasa 7-gramo at nagkakahalaga ng P48,300 at buy-bust money na ginamit sa ope­rasyon.

Show comments