Bigtime ‘pusher’ sa Cavite huli sa higit P5 milyong shabu
CAVITE, Philippines — Nasa mahigit P5 milyong halaga ng shabu ang nasamsam sa isang bigtime drug pusher sa isinagawang operasyon ng pulisya kamakalawa ng hapon sa bayan ng Amadeo, dito sa lalawigan.
Kinilala ng pulisya ang suspek na si Joel Alfamaso Saut, nasa hustong gulang at residente ng sa Brgy. Dagatan, Amadeo, Cavite.
Sa nakalap na ulat mula sa pulisya, alas-2:40 ng hapon nang ilatag ang drug operation ng pinagsanib na puwersa ng Philippine Drug Enforcement Group (PDEG) at Special Offender Unit (SOU) 4A, na tumayong lead unit kasama ang Regional Special Operation Unit (RSOU/RID 4A) , Regional Drug Enforcement Unit 4A, Amadeo Police, Provincial Intelligence Unit ng Cavite at Regional Office ng Philippine Drug Enforcement Agency 4A-RSET, sa #95 F Purok 3, Barangay Dagatan, Amadeo kung saan naganap ang drug deal.
Halagang P102,000 ng shabu na may timbang na 15 gramo ang binili ng tumayong pouser buyer sa suspek at nang magkaabutan ng droga at buy-bust money ay dito na siya pinaligiran ng grupo at dinakma.
Nasamsam pa sa suspek ang karagdagang droga na umaabot lahat sa 765 gramo na na nagkakahalaga ng P5,200,500.00 at mga buy-bust money na ginamit sa operasyon .
Nakumpiska rin sa suspek ang isang digital weighing scale at isang Android Realme cellphone.
- Latest