^

Probinsiya

Camarines Sur solon nabiktima ng text scam

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Kinalampag ni 3rd District Camarines Sur Rep. Gabriel Bordado ang mga kinauukulang ahensya ng gobyerno na aksyunan ang mga talamak na text scam matapos na siya mismo ang nabiktima.

Ayon kay Bordado, nabiktima rin siya ng call at text scams kaya iginiit na dapat mapanagot sa batas ang mga manlolokong indibiduwal na nasa likod ng nasabing illegal na aktibidades.

Ibinulgar ni Bordado na mayroon umanong tumawag at nag-message sa kaniya na nagpakilalang bagong Kongresista ng 19th Congress na nagpakilalang si Catanduanes Rep. Leo Rodriguez na nangangailangan umano ng pera para sa “Convention” ng mga lider-magsasaka.

Ayon kay Bordado, ­nalagay siya sa alanganin dahil nagpakilalang mambabatas ang nasabing caller/texter at tinanong niya kung paano siya makakatulong sa mga magsasaka.

Sinabi umano ng nasabing texter na ipadala ang P10,000 sa Gcash app para mabilis na maihatid ang hinihinging tulong.

Gayunman, nang makausap ni Bordado kamakailan ng aktuwal ang totoong kongresista na si Rodriguez, sinabi nitong  wala siyang hinihinging pera.

Samantalang sa hiwalay na insidente, sinabi ni Bordado na may isang mensahe rin siyang natanggap mula sa isa ring nagpakilalang kongresista na humihingi naman ng P70,000.

Gayunman, dahil hindi kilala ni Bordado ay nagduda siya, kaya hindi na niya ito pinatulan.

GABRIEL BORDADO

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with