4 coastal areas sa Visayas at Mindanao, may red tide

MANILA, Philippines — Iniulat ng Bureau of Fisheries and Aquatic Re­sources (BFAR) na nag­positibo sa paralytic shellfish poison (PSP) o toxic red tide ang apat na coastal areas sa Visayas at Mindanao.

Batay sa shellfish bul­letin na may petsang Set­yembre 2, sinabi ng BFAR na kabilang sa mga naturang lugar ay ang Matarinao Bay sa Eastern Samar; coastal waters ng Dauis at Tagbilaran City sa Bohol, Dumanquillas Bay sa Zam­boanga del Sur, at Lianga Bay sa Surigao del Sur.

Kaugnay nito, pina­alalahanan ng BFAR ang publiko na lahat ng uri ng shellfish at acetes, o alamang, na nakokolekta mula sa naturang mga lugar ay hindi ligtas na kainin.

Sinabi rin ng ahensiya na ang iba pang sea­food o lamang-dagat na nakokolekta sa mga naturang lugar ay ligtas naman sa human consumption kabilang dito ang isda, pusit, hipon at mga alimango.

Kailangan lamang ani­lang tiyakin na sariwa ang mga ito, nalinis na mabuti at natanggalan ng hasang bago lutuin at kainin.

“Fish, squids, shrimps, and crabs are safe for human consumption provided that they are fresh and washed thoroughly, and internal organs such as gills and intestines are removed before cooking­,” anang BFAR.

Show comments