Obrero dedo sa pagbaliktad ng sasakyan

DARAGA, Albay, Philippines — Nagkalasug-lasog ang katawan ng construction foreman ma­tapos bumaliktad ang minamanehong sasak­yan sa kahabaan ng Maharlika National Highway sa Purok-6, Brgy. Busay ng bayang ito kahapon ng madaling araw.

Kinilala ang nasawi­ na si Reynaldo Grande Ballaran, 41, residente ng Brgy. San Agustin, San Manuel, Tarlac.

Sa ulat, dakong ala-1:00 ng madaling araw mula sa bayan ng Camalig lulan ng kanyang Suzuki Multicab ay mabilis na binabagtas nito ang highway pauwi sa kanilang barracks sa Brgy. Cullat, Daraga, Albay.

Gayunman, pagda­ting sa lugar ay nawalan­ ito ng kontrol sa manibela at bumaliktad ang sasakyan dahilan para malubhang masugatan ang biktima na agaran­ niyang ikinasawi.

Show comments