RCMP umayuda sa Brigada Eskwela 2022 sa Cavite
MANILA, Philippines — Isang araw bago ang pormal na pagbubukas ng face-to-face classes sa bansa, namigay muli ang Rotary Club of Malate Prime (RCMP) na pinamumunuan ni Phenomenal Leader President Roland Lim ng mga school supplies at iba pang essentials sa dalawang paaralan sa Cavite bilang pakikiisa sa “Brigada Eskwela 2022” program ng pamahalaan.
Pinangunahan nina RCMP Past President at Club Secretary Lea Botones, LCP Rommel Allan Roxas, Rtn Rosanna Saren at Rtn Elmer Estrella ang pagturn-over sa iba’t ibang school supplies na sinamahan ng mga disinfectants, sabon at sponge, broom at dust pans na magagamit ng mga guro at estudyante.
Personal na tinanggap ang nasabing mga kagamitan ni Brigada Eskwela coordinator Jericho Llavore at School Information Officer Ruel Cuison ng Malagasang II Elementary School sa Malagasang, Imus City kahapon ng umaga.
Matapos ang nasabing pamamahagi, agad tumungo ang grupo sa ISCAG (Islamic Studies, Call and Guidance of the Philippines) School sa Brgy. Salitran 1, Dasmariñas City, Cavite at namahagi rin ang RCMP ng isang computer monitor na magagamit ng mga guro at estudyante. Personal na tinanggap ng gurong si Art Dumlao ang naturang donasyon kahapon.
- Latest