MANILA, Philippines — Namahagi ang Rotary Club of Malate Prime (RCMP) na pinamumunuan ni PLP Roland Lim sa ilalim ng Rotary International District 3810, ng mga kahun-kahong face masks, alcohol, gamot at vitamins sa mga guro at mag-aaral bilang pakikiisa sa “Brigada Eskwela 2022” program ng pamahalaan sa iba’t ibang paraalan sa San Fernando, Ticao Island sa lalawigan ng Masbate nitong Lunes.
Sina PP Don Brabante at Rtn Councilor Liza Brabante ang nagsilbing kinatawan ng RCMP sa pamamahagi ng 100 boxes ng face mask, 1,000 pcs ng bottled alcohol, 24 galon ng alcohol, 50 kahon ng Lozartan/Metformin & Prosel Pharma at 250 boxes ng Ascorbic Acid na makakatulong sa face-to-face clasess sa mga paaralan sa nasabing lugar.
Kabilang sa mga nabiyayaan ay ang Andres Clemente Jr. High School, Corbada Elementary School, Minio Elem. School, Daplian Elem. School, Lumbia Elem. School, Pinamoghaan Elem. School, Buyo Elem. School, Buyo Nat’l High School, Resurreccion Elem School, Salvacion Elem. School, Ipil Elem. School, Ipil Nat’l High School, Progreso Elem School, Altavista Elem. School, Cabug Elem. School at Talisay Elem. School.
Kasama sa mga nagsilbing sponsor sa mga pangangailangan ng mga mag-aaral at guro bilang panlaban sa COVID-19 ay sina PLP Lim, PP Brabante, PE Daisy Valdez, Rtn Jobien Carbajal at iba pang miyembro ng naturang Rotary club.