P2.1 milyon puslit na yosi nasabat ng PCG
MANILA, Philippines — Umiskor ang mga tauhan ng Philippine Coast Guard (PCG) matapos makasabat ng may P2.1 milyong halaga ng smuggled cigarettes sa Mainit Port sa Cebu nitong nakaraang Agosto 1.
Sa ulat kahapon ng PCG-District Central Visayas, nasabat nila ang kontrabando sakay ng MV Lite Ferry 17 sa Mainit Port sa Oslo, Cebu makaraang maglayag mula sa Dapitan Port sa Zamboanga del Norte.
Nagsagawa ng inspeksyon ang PCG sa shipment na nakadeklara na mga pagkaing de-lata ngunit nang buksan ay tumambad ang mga sigarilyo na nakasilid sa mga karton ng sardinas na tinatayang nagkakahalaga ng P2,116,000. Nanggaling ang kontrabando sa Malaysia.
Ipinasa na ng PCG ang mga nasamsam na puslit na sigarilyo sa Bureau of Customs-Region 7 para sa tamang disposisyon.
- Latest