^

Probinsiya

Rider todas sa saksak; nobyang menor 'hinalay' ng suspects sa Cagayan de Oro

Philstar.com
Rider todas sa saksak; nobyang menor 'hinalay' ng suspects sa Cagayan de Oro
Makikitang nasa likod ng rehas ang suspek sa likod ng nangyaring "rape-slay" sa Cagayan de Oro City, na siyang nangyari noong ika-17 ng Hulyo, 2022
Released/Cagayan de Oro Police Office – Station 3

MANILA, Philippines — Patay ang isang 24-anyos na delivery rider matapos paliguan ng saksak habang ang kanyang nobya'y hinihinalang ginahasa sa Cagayan de Oro City.

Ayon kay CDO City Police Office city director Pol. Col. Aaron Mandia sa ulat ng GMA News, nangyari ang krimen habang nasa date ang dalawa bandang hatinggabi ng ika-17 ng Hulyo sa kahabaan ng Coastal Road, Barangay Lapasan.

Kinilala ang nasawing biktima bilang si Cris Sabaldana Semaña mula Western Kolambog ng naturang barangay.

Kinumpirma naman ni Police Captain Ernesto Miranda Sanchez, station commander ng Cagayan de Oro Police Office – Station 3, na naaresto na ang nasa likod ng naturang karumal-dumal na krimen.

Ito ang kanyang banggit sa Facebook account ng Station 3 ng COCPO ngayong Miyerkules. Aniya, case closed na ang naturang krimen.

Imbestigasyon

Batay sa imbestigasyon, nilapitan ng mga suspek ang dalawang biktima, tinutukan ng patalim at saka kinaladkad sa madilim na bahagi ng kalsada.

Doon na pinagsasaksak ng 10 beses sa katawan si Semaña habang ang kanyang nobya naman ay hinihinalang ginahasa ng isa sa mga suspek. 

Ayon sa ulat, sinuntok at sinipa pa ng suspek ang babae matapos manlaban.

Agad na isinugod sa JR Borja Hospital by Oro Rescue ang rider ngunit idineklara ring dead on arrival. Hinihintay pa ang resulta ng medico-legal ng babaeng biktima para sa kumpiramasyon ng kanyang kalagayan.

 

Sinasabing luhaan ang babaeng biktima nang makaharap ang naturang suspek.

Nagpasalamat naman si Sanchez sa dedikasyon at gabay ni Mandia para sa ikahuhuli ng suspek, bagay na patunay daw na hindi "lame duck" at nagtratrabaho ang COCPO. — Philstar.com intern Vivienne Audrey Angeles

vuukle comment

CAGAYAN DE ORO

MURDER

RAPE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with