^

Probinsiya

Lider ng robbery group, 3 pa nalambat sa raid

Ramon Efren Lazaro - Pilipino Star Ngayon
Lider ng robbery group, 3 pa nalambat sa raid
Sa ulat na nakarating kay Col. Jess Mendez, acting police director ng Nueva Ecija, kinilala ang nadakip na suspek na si  Marlon Salvador, lider ng “Salvador Robbery Group” at  high value indi­­vidual sa Region 3, residente ng Barangay Mahipon, Gapan City, Nueva Ecija.
Boy Santos

CABANATUAN CITY, Philippines — Naaresto ng mga awtoridad ang lider ng isang robbery group na kabilang sa nakatalang Top 10 drug personalities ng Central Luzon, at tatlong iba pang hinihinalang drug suspect sa isinagawang pagsalakay sa hideout nito sa Nueva Ecija noong Sabado ng hapon.

Sa ulat na nakarating kay Col. Jess Mendez, acting police director ng Nueva Ecija, kinilala ang nadakip na suspek na si  Marlon Salvador, lider ng “Salvador Robbery Group” at  high value indi­­vidual sa Region 3, residente ng Barangay Mahipon, Gapan City, Nueva Ecija.

Si Salvador ay na­aresto noong Sabado ng hapon sa ikinasang pagsalakay ng pulisya sa kanyang hideout sa Gapan City sa bisa ng search warrant na inisyu ni Executive Judge Ele­nita Evangelista-Casipit ng Regional Trial Court, Gapan City sa paglabag sa R.A. 10591 o Comprehensive Firearms and Ammunition Regulation Act.
Sa kasagsagan ng raid, naaktuhan ng mga operatiba si Salvador na kasama sina Richard Ising, Arnel Morales at Raymond Morales habang nagpa-pot session at sumisinghot ng hinihinalang shabu.

Nasamsam sa lugar ang maraming armas, granada at bala kabilang ang Armscor shotgun, Winchester .22 caliber rifle, Colt .38 caliber revolver, airgun, MK2 hand grenade, plastic sachets na naglalaman ng suspected shabu na nasa 40.4 gramo at may halagang P274,720; tatlong aluminum foil; gunting; weighting scale; apat na lighter; apat na tooter; at P36,300 cash.

NAARESTO

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with