Bahay pinasok: Ama niratrat, anak sugatan

CANDELARIA, Quezon, Philippines — Pinagbabaril hanggang sa mamatay ang isang obrero ng hindi nakikilalang salarin na nanloob sa kanilang bahay habang nasugatan ang kanyang anak na menor de edad kamakalawa ng gabi sa Maulawin Street, Barangay Pahinga Norte.

Ang biktima na nagtamo ng mga tama ng bala sa ulo at iba’t ibang parte ng katawan ay kinilalang si Abril Buenavista, 34 samantalang ginagamot sa Peter Paul Hospital dahil sa tama ng ligaw na bala sa kamay ang 12-anyos nitong anak na si Khysalin.

Ayon sa pulisya, habang nakaupo sa loob ng kanyang bahay ang biktima kasama ang kanyang anak dakong alas-8:40 ng gabi nang biglang pumasok ang hindi nakikilalang lalaki na armado ng ‘di pa batid na kalibre ng baril at nakasuot ng bull cap at jacket na kulay itim.

Pagkakita umano sa biktima ay walang sabi-sabing pinaulanan ng punglo ng suspek saka mabilis na tumakas.

Show comments