Collection target ng BOC-Port of Subic, nahigitan

SUBIC BAY FREEPORT, Philippines — Nahigitan ng Bureau of Customs-Port of Subic sa pangunguna ni District Collector Maritess Martin ang kanilang buwanang collection target bago pa man matapos ang kasalukuyang buwan ng Hunyo.

Nakakolekta ang Port of Subic ng halagang P3,745,214,958.60  mula sa kanilang collection target na P3,380,949,000.00 na labis ng P190,312,688.65 o katumbas ng 5.63 por­syento.

Pinuri naman ni Martin ang mga tauhan ng kanilang kagawaran dahil sa nakamit na mas mataas na collection target.

Show comments