MANILA, Philippines — 5.3 na lindol Niyanig ng magnitude 5.3 na lindol ang Candon City sa Ilocos Sur kahapon.
Ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs), tectonic ang origin ng lindol na naitala dakong alas-2:08 ng hapon.
May lalim itong 10 kilometro at ang epicenter nito ay natukoy may 53 kilometro sa southwest ng Candon City.
Naramdaman din ang Intensity 1 na lindol sa Baguio City at Itogon, Benguet, Instrumental Intensity III sa Vigan City, Ilocos Sur; Intensity II sa Sinait, Ilocos Sur; San Antonio, Zambales; Bolinao at Dagupan City, Pangasinan; at Intensity 1 sa Infanta, Pangasinan; Pasuquin at Laoag City, Ilocos Norte.
Anang Phivolcs, wala silang inaasahang pinsalang nalikha ang lindol, ngunit asahan na anila ang pagkakaroon ng mga aftershocks.