Mister pinasok, inutas ng tandem

LIBON, Albay, Philippines — Duguang bumulagta sa kusina ng kanilang bahay ang isang 44-anyos na mister matapos pasukin at pagbabarilin ng dalawang gunmen sa Zone-1, Brgy. Nogpo ng bayang ito kamakalawa ng gabi.

Agad nasawi dahil sa mga tama ng punglo sa iba’t ibang bahagi ng katawan ang biktima na si Eddie Bilando Buere, tricycle driver, may-asawa at residente ng naturang lugar.

Sa ulat, dakong alas-7:30 ng gabi habang nagluluto ng hapunan ang biktima nang biglang pumasok sa kanilang bahay ang dalawang hindi nakilalang suspek na armado ng hindi malamang kalibre ng baril.

Sa hindi malamang dahilan, walang kaabog-abog na pinagbabaril ng mga suspek ang biktima na agad nasawi saka sila tumakas patungo sa hindi malamang direksyon.

Show comments