CAMP VICENTE LIM, Laguna, Philippines — Nasa 701 police officers ang bumoto sa isinasagawang local absentee voting (LAV) bago ang araw mismo ng halalan sa Mayo 9.
Ayon kay P/Major Mary Ann Torres, Calabarzon police spokesperson, na 138 pulis ay mula sa Cavite, Laguna;101, Batangas -223, Quezon-143 at Regional Mobile Force Battalion-96.
Nabatid na sa 1,336 mula sa 1,484 police personnel ay pinayagang maagang makaboto na inaprubahan ng Commission on Elections.
Ang Rizal provincial office na walang record sa kasalukuyang kung nakaboto na sa LAV.
Ang tanging iboboto sa LAV ay sa position na presidente,bise president, senators at partylist lamang.