2 bata swak sa irigasyon, patay

Sa ulat ng Kalinga Provincial Disaster Risk Reduction and Management Office (PDRRMO), kinilala ang mga biktima na sina Jessa Mae Palactao, 9 anyos at kaanak na si David Cusay Palactao, 12; kapwa elementary student ng Bulanao, Tabuk City.
STAR/File

BAGUIO CITY, Philippines — Dalawang batang mag-aaral ang patay matapos na aksidenteng mahulog habang naglalaro sa may water irrigation canal at malunod sa Bulanao, Tabuk City, Kalinga noong Biyernes.

Sa ulat ng Kalinga Provincial Disaster Risk Reduction and Management Office (PDRRMO), kinilala ang mga biktima na sina Jessa Mae Palactao, 9 anyos at kaanak na si David Cusay Palactao, 12; kapwa elementary student ng Bulanao, Tabuk City.

Sa imbestigasyon ng Tabuk Police, nakita pang naglalaro ang dalawang biktima sa may irigasyon sa Purok 6 at habang hi­nuhugasan nila ang kanilang mga kamay sa isang faucet o gripo ay bigla silang nadulas at tuluy-tuloy na nahulog sa malalim na kanal na puno ng tubig.

Sumaklolo ang mga emergency responders sa nasabing lugar hanggang sa matagpuan ang dalawa matapos ang tatlong oras na pagkawala. Unang nakita ang katawan ng 12-anyos na si David dakong alas-5:15 ng hapon habang ang 9-anyos na batang babae ay narekober ng alas-5:39 ng hapon ng nasabi ring araw.

Isinugod ang mga biktima sa Kalinga Provincial Hospital subalit pawang idi­neklarang dead-on-arri­val ng mga sumuring doktor.

Show comments