Pinakabatang kandidato sa Bulacan, masaya sa mulat na kaisipan ng mga botante
MANILA, Philippines — Buong kagalakang ipinahayag ng pinakabatang kandidato para sa pagka-konsehal sa bayan ng Balagtas, Bulacan ang malaking pagbabago sa uri ng mga botante na nakatakdang maghalal ng kanilang mga bagong opisyales para sa darating na eleksiyon na gaganapin sa Mayo 9 ng kasalukuyang taon.
Ayon kay Kobe Delos Reyes, 18, ang pinakabatang tumatakbo bilang independent councilor sa Balagtas, Bulacan, ang mga botante ngayon ay lubhang matatalino na at hindi na tumitingin sa pulitikong angkan at estado sa lipunan bagkus sa kanilang sinseridad, kabataan at katapatan.
“I am happy to see that majority of our voters nowadays have come to realize that a candidate’s popularity and long-standing political experience and history do not guarantee good leadership, responsive governance, clean, honest, and altruistic delivery of public services, but rather his solid track record, proven commitment and dedication to genuine public service, and unblemished credibility and reputation,” ani Kobe.
Mula nang siya ay mamulat sa larangan ng pulitika at serbisyo publiko, labag na sa kalooban ni Kobe ang tinatawag na “patronage politics” o ‘yung paggamit ng kabang yaman ng estado para bigyang pabor o gantimpalaan ‘yung mga taong nakatulong sa kandidatura ng isang pulitiko. Bagkus, hinihikayat niya ang kanyang mga kapwa kandidato na ibigay sa mga kababayan nila ‘yung mga tunay at tiyak na serbisyo publiko na karapat-dapat lang nilang tamasahin mula sa kanilang gobyerno.
Ayon kay Kobe, sa kanilang pag-iikot-ikot sa kanilang lugar, madalas niyang naririnig sa mga kababayan na panahon na para magluklok sila ng mga batang lider, na sa murang edad ay nagtataglay na ng mga katangian ng isang mahusay na mamumuno, may malayang pag-iisip at pagdedesisyon, may sariling paninindigan at highit sa lahat ay hindi umaasa sa tulong ng mga datihan nang opisyales ng kanilang munisipyo para lang maluklok sa posisyon.
- Latest