Abogado na kandidatong konsehal, itinumba

MANILA, Philippines — Isang abogado na tumatakbong city councilor sa darating na halalan sa Mayo ang itinumba ng dalawang hindi pa kilalang kalalakihan sa kanyang opisina sa Sto.Tomas City,Batangas kahapon ng hapon.

Namatay ang biktima sa mga tama ng bala na nakilalang si Atty.Reginald Michael Manito,42.

Batay sa ulat, alas-11:29 ng umaga nang mangyari ang krimen sa opisina ng biktima na matatagpuan sa   kahabaan ng Gov.  Malvar Avenue, Brgy. Poblacion 1, ng nasa-bing lung­sod.

Lumalabas sa imbestigasyon na nasa loob ng  kanyang opisina ang biktima kasama ang kanyang secretary na si Aira Vargas nang pumasok ang dalawang lalaki at dalawang be-ses na ito ay binaril.

Nang masiguradong patay na ang biktima ay tumakas ang dalawang suspek dala ang baril na ginamit sa krimen.

Mabilis na dina­la ang biktima sa St. Cabrini Medical Cen-ter, subalit idineklarang dead on arrival.

Si Manito ay tuma­takbong city counci­lor ng Sto.Tomas City, Batangas. Inaalam pa kung ang pagpatay ay may kaugnayan sa nalalapit na halalan sa Mayo.

Show comments