Rapist na nagtago ng 7 taon, nadakip

Walang piyansang inirekomenda sa suspek na nakilalang si McRonnel Ilano Grande, 31, construction worker, residente ng Brgy. Toclong, Kawit, Cavite.
STAR/ File

MANILA, Philippines — Hindi na nakaalpas sa kamay ng batas ang isang 31-anyos na lalaki na nagtago ng pitong taon sa batas dahil sa kasong rape nang silbihan ito ng warrant of arrest kamakalawa ng hapon sa Brgy. Toclong, Kawit Cavite.

Walang piyansang inirekomenda sa suspek na nakilalang si McRonnel Ilano Grande, 31, construction worker, residente ng Brgy. Toclong, Kawit, Cavite.

Sa nakalap na ulat mula sa tanggapan ni Cavite Provincial Director Police Col. Arnold Abad, isang warrant operation ang inilatag ng Kawit Police laban sa suspek matapos mamataan ito sa may Brgy. Toclong.

Dakong alas-3:00 ng hapon ay bitbit ang warrant of arrest na inisyu ni Hon. Josefina E. Siscar, Assisting Judge of Regional Trial Court, Branch 20, Imus City, para sa kasong rape under Criminal Case No. 12287-13 with no bail recommended laban sa suspek.

Show comments