^

Probinsiya

‘Stray bullet incidents’ iniimbestigahan ng PNP

Doris Franche - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Bagama’t itinuturing na “generally peaceful” ang pagsalubong sa Bagong Taon, sinabi ng  Philippine National Police na kanila pa ring iimbestigahan ang  mga insidente ng  stray bullet sa Calabarzon, Northern Mindanao, Cordillera at Ilocos region.

Ayon kay PNP chief, Police Gen. Dionardo Carlos, isasagawa ng forensic at technical support ang imbestigasyon upang  mapanagot ang  responsable sa insidente ng  stray bullets.

Batay sa record, 88  katao ang sugatan dahil sa paputok habang apat na kaso naman  ng stray bullets ang natanggap ng  PNP Command Center. Ito ay sumasailalim sa beripikasyon at imbestigasyon.

 “Overall, the situation remains generally peaceful throughout the country with no major untoward incidents that marred the traditional festive Christmas and New Year revelry,” ani Carlos.

Aniya, matagal at paulit-ulit na ang paa­lala sa paggamit ng baril tuwing sasalubong sa Bagong Taon. Tama lamang na papanagutin ang mga lumabag.

Gayunman, sinabi ni Carlos na mababa ang bilang ng mga biktima ng ligaw na bala sa pagsalubong ng 2022 kumpara noong nakaraang taon.

STRAY BULLET

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with