^

Probinsiya

Presidential ship ginawang ‘floating hospital’ sa Siargao

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon

Medical assistance sa Odette victims, arangkada

MANILA, Philippines — Nagsisilbi ngayong “floating hospital” para sa medical assistance ang Presidential ship o ang barkong ginagamit ni Pangulong Rodrigo Duterte para makapag­hatid ng serbisyo sa kalusugan sa mga residenteng naapektuhan ng supertyphoon Odette sa Siargao.

Ayon kay Comman­der Benjo Negranza, director ng Naval Public Affairs Office, ang BRP Ang Pangulo (ACS25) ay ginawa munang floa­ting hospital para mapagsilbihan ang mga residente ng Siargao na matinding naapektuhan ng bagyo.

Sinabi ni Negranza, ang Philippine Navy (PN) at Eastern Min­danao Command composite medical team na sakay ng “Presidential ship” na siyang tumutulong sa mga residente at mga mangingisda mula sa iba’t-ibang mga barangay sa Siargao na nangangailangan ng medical assistance.

Sa kasalukuyan, ang ACS25 ay ang nagbibigay ng libreng medical consultations, medisina at mga kinakailangang supplements sa 36 indibiduwal para sa medikasyon ng hypertension at diarrhea.

Samantala, duma­ting na rin ang multi-capable frigate, BRP Jose Rizal (FF150) ng PN sa Puerto Princesa City, Palawan kamakalawa para maghatid ng 30,000 kilo ng relief goods at iba pang pangangailangan ng mga naapektuhan ng bagyong Odette. Agad na idiniskarga ang mga tone-toneladang cargo sa tulong ng Philippine Marine Corps at Philippine National Police personnel.
Sinabi ng opisyal na isa pang barko ng PN, ang patrol craft BRP Carlos Albert (PC375) ay kasama ng naturang fri­gate sa paglilipat ng mga relief goods at iba pang cargoes para maibiyahe sa karagatan.

MEDICAL ASSISTANCE

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with