Vice mayor, 7 pang opisyal sa Gumaca sinuspinde

GUMACA, Quezon, Philippines — Pinatawan ng 60-day preventive suspension ng Sangguniang Panlalawigan ng Quezon ang vice mayor at pito pang konsehal ngba­yang ito dahil sa isyu ng kanilang panukalang budget.

Ang mga pinatawan ng suspension ay sina Gumaca Vice Mayor Erwin Caralian at mga konsehal na sina Noel Dacillo, Marilou Mendoza, Fernando Manalo, Elenita Lumenario, Prescilla Gina Magbuhos, SK Federation Ex-Officio Stephanie Marquez at Liga ng mga Barangay Ex-Officio Ramon Reynante Castillo.

Ito ay kaugnay sa­ ­reklamong administratibo na isinampa ni Gumaca Mayor Webs­ter Letargo noong Nobyembre 16 hinggil sa hindi pagkakapasa ng 2021 proposed budget ng lokal na pamahalaan.

Sinabi na noon ng vice mayor at pitong opisyal na nakitaan nila ng discrepancies ang isinumiteng budget ng pamahalaang bayan kung kaya hindi nila ito inaprubahan. Hindi rin umano ito pamumulitika at sa halip ay ang alkalde ang inakusahan nila ng pagmamanipula sa isipan ng kanilang mga kababayan.

Show comments