2 Black Hawk chopper idineploy sa Western Mindanao
MANILA, Philippines — Idineploy ang dalawang Black Hawk helicopter sa Western Mindanao matapos pormal na tinanggap ito ni Western Mindanao Command (WestMinCom) Commander Maj. Gen. Alfredo Rosario Jr.
Nabatid na gagamitin ang mga nasabing Sikorsky S70i Blackhawk helicopters sa iba’t ibang misyon sa Western Mindanao kabilang ang pagsuporta sa “combat operations” at “quick response” sa paghahatid ng humanitarian aid.
Ang mga blackhawk helicopter ay dumating kamakalawa sa Edwin Andrews Airbase sa Zamboanga City kung saan tinanggap ng Tactical Operations Wing-Western Mindanao (TOW-WM), ang Philippine Air Force unit na kontrolado ng WestMinCom.
Bago isinagawa ang welcome ceremony sa Edwin Andrew’s Airbase, nagsagawa ng low-pass ang mga helicopter sa buong Zamboanga City.
“We are very grateful that the top brass considered the deployment of these air assets which will greatly contribute to the accomplishment of our missions here in western Mindanao,” ani WestMinCom commander Major General Alfredo Rosario Jr.
Ayon kay Maj. Gen. Rosario, ang deployment ng mga blackhawk sa kanilang area of responsibility ay magpapalakas sa lethal at non-lethal na kapabilidad ng militar.
- Latest