2 notoryus na drug pusher nalambat

CAMP OLIVAS, Pampanga, Philippines — Tinata­yang aabot sa P700,400 halaga ng shabu ang nakumpiska ng mga otoridad sa isinagawang anti-illegal drug operation sa Barangay Ninoy Aquino, Angeles City, kamakalawa.

Kinilala ni P/Col. Jonas Amparo, Deputy Regional Director for Operations, ang mga naarestong suspek na sina Rommel Carlos at Elizabeth Cabredo.

Nasamsam sa mga suspek ang tatlong sa­chet ng shabu at na­kata­ling plastic bag na nagla­laman ng shabu na may timbang na 103.00 gramo na nag­­ka­­kahalaga ng P700,400.

Show comments