^

Probinsiya

20 ex-drug addict nagtapos na sa rehab program

Tony Sandoval - Pilipino Star Ngayon

LUCENA CITY, Philippines — Nagsipagtapos na ang nasa 20 na mga Recovering Persons Who Used Drugs (RPWUDs) na kabilang sa bagong batch ng community based rehabilitation program na Kanlungan ng Pagbabago sa Lucena City kamakalawa.

Isinagawa ng Lucena City Anti-Drug Abuse Council (CADAC) sa pangu­nguna ni Cadac Operations Head Francia Malabanan ang isang maikling seremonya ng pagtatapos para sa mga RPWUD.

Sumaksi sa aktibidad sina Philippine Drug Enforcement Agency Quezon (PDEA) staff Intelligence Officer 3 Reynaldo Benzon, PLt. Delilah Tapulayan ng Lucena PNP, gayundin ng ilang mga kagawad ng mga barangay kung saan nani­nirahan ang mga nagsipagtapos na RPWUDs.

Ang mga dating gu­magamit ng ipinagbabawal na droga ay sumailalim sa 30-day-in-house program, kabilang na ang skills training gaya ng paggawa ng rug at dishwashing liquid,gayundin ang pagsasailalim sa iba’t-ibang mga modules, seminars, NC1 Shielded Metal Arc Welding sa ilalim ng TESDA Quezon at mga intervention katulad ng spi­ritual, psychological at mga physical activities.Ayon kay Francia Malabanan,Lucena City Drug Abuse Council (CADAC) head, ang nasabing pagtatapos ay bunga ng pagsusumikap ng mga na­kilahok na makapag-bagong buhay mula sa kanilang masamang gawain noon na dulot ng ilegal na droga.

TREATMENT AND REHABILITATION OF SUBSTANCE ABUSERS

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with