NABUA, Camarines Sur, Philippines — Bulagta sa kanyang bahay ang isang ginang matapos pagbabarilin ng hindi nakilalang gunman sa Zone-2, Brgy.Topas sa bayang ito kamakalawa ng gabi.
Sinubukan pang isugod ng mga kaanak sa Medical Mission Group Hospital pero idineklarang dead-on-arrival ang biktimang si Michelle Gasfilo Daza, 33, may kinakasama at residente ng naturang barangay.
Sa ulat, alas-9:30 ng gabi habang nasa kanyang bahay ang biktima nang dumating ang hindi nakilalang lalaki na lulan ng hindi naplakahang motorsiklo.
Sa hindi malamang dahilan ay walang kaabug-abog na pinagbabaril ng suspek ang biktima na tinamaan sa iba’t ibang bahagi ng katawan.