Angkas ng motor dedo, 3 sugatan sa banggaan

IMUS CITY, Cavite, Philippines — Namatay habang nilalapatan ng lunas ang 28-anyos na lalaking angkas sa motorsiklo habang tatlo ang nasugatan sa naganap na banggaan ng motorsiklo at van,kamakalawa ng gabi sa kahabaan ng Buhay na Tubig Road ng lungsod.

Hindi na naisalba sa pagamutan ang biktima na nakilalang si Ryan Chavez Lopez, 28, habang nasugatan sina Vernon Hebron Ronquillo, 27, driver ng motor; Roderick De Leon,  50, driver ng Adventure at ang  misis nito na si  Maria Dolores,  55.

Sa imbestigasyon, dakong alas-9:30 ng gabi nang maganap ang insidente sa kahabaan ng Buhay na Tubig road, Imus kung saan bumabagtas ang Mitsubishi Adventure (ABQ1845) na minamaneho ni Roderick kasama ang misis nito nang mag-counterflow umano ang isang motor na sakay ang 2 katao kaya hindi na nakaiwas ang Adventure at tuloy tuloy na sumalpok dito.

Sa lakas ng impact kapwa nahulog ang magkaangkas na biktima at nagpagulong-gulong ng may ilang beses sa kalsada.

Agad namang nai­tak­bo sa Medical Center Imus Hospital ng CDRRMO na unang rumesponde sa insidente  subalit idineklarang dead on arrival na ang backrider na si Lopez.

Nabatid na nakai­nom umano ang driver ng motorsiklo.

Show comments