2 Chinese, 2 Pinoy timbog sa P32 milyong pekeng yosi

Kinilala ang mga nadakip na suspek na sina Zeng Qiangjian,42 ng Bigaang Matanda, San Juan, Balagtas; Lin Shanxiong,48,kapwa Chinese;John Bejay Agujar, 25, helper ng Brgy. Tabon, Pulilan; at Rodolfo Brosas, 45, ng Brgy. Malis, Guiguinto, Bulacan.

BALAGTAS, Bulacan, Philippines — Naaresto ng mga operatiba ng Criminal Investigation and Detection Group(CIDG-3) ang dalawang Chinese at 2 Pinoy nang salakayin ang bodega na naglalaman ng pekeng sigarilyo kahapon ng umaga sa Zone 6 Brgy. Burol 2nd.

Kinilala ang mga nadakip na suspek na sina Zeng Qiangjian,42 ng Bigaang Matanda, San Juan, Balagtas; Lin Shanxiong,48,kapwa Chinese;John Bejay Agujar, 25, helper ng Brgy. Tabon, Pulilan; at Rodolfo Brosas, 45, ng Brgy. Malis, Guiguinto, Bulacan.

Base sa imbestigas­yon, Linggo ng mada­ling- araw nang isagawa ng mga pulis ang buy bust operation sa nabanggit na lugar at nang magpositibo ay dito na ­inaresto ang mga suspek.

Nasa higit 1,346 kahon ng iba’t ibang uri ng sigarilyo ang nakum­piska ng mga otoridad na nagkakahalaga ng P32 milyon.

Nakakulong na ang mga suspek na nahaharap sa patung-patong na kaso.- Doris Franche

Show comments