3 mag-uutol, sabay-sabay naging pari

MANILA, Philippines — Sabay-sabay na naging pari ang  tatlong magkakapatid na naordenahan sa St. Augustine Cathedral nitong Miyerkules, kasabay ng kaarawan ng Birheng Maria sa Cagayan De Oro City.

Kinilala ang magkakapatid na sina Jessie James, Jestonie, at Jerson Rey Avenido.

Ayon kay Jessie James, nakatatandang kapatid, ang kanilang pagiging pari ay bunga ng sakripisyo at pagdarasal ng kanilang mga magulang at pamilya.

Maliban sa tatlo, me­ron pa silang tatlong na­ka­babatang kapatid na hinihikayat din nilang magserbisyo sa Simbahan.

Maituturing umano na biyaya at karangalan sa kanila ang maordenahan sa kaarawan ng Birheng Maria.

Show comments