2 ‘tulak’ huli sa P.8 million shabu sa Bulacan

MARILAO, Bulacan, Bulacan - Aabot sa mahigit P.8 milyong halaga ng ipinagbabawal na droga ang nakumpiska ng mga otoridad sa dalawang hi­nihinalang tulak sa isinagawang drug operation sa Marimel road, Barangay Lambakin ng nasabing bayan kamakalawa ng gabi.

Kinilala ni P/Col. Lawrence Cajipe, Bulacan police director ang dalawang naarestong suspek na sina Cheryl Quijano at Rodelyn Jorge Ronquillo kapwa residente ng nasabing barangay.

Naaresto ang dalawa matapos na maglatag ng drug operation ang Marilao police dakong alas-11:35 ng gabi laban sa mga suspek na kilalang tulak sa kanilang lugar.

Hindi na nagawang pumalag ng mga suspek nang arestuhin sila ng mga otoridad at makum­piska sa kanila ang 12 heat sealed transparent plastic sachet ng shabu na tumitimbang ng 120 grams at nagkakahalaga ng P816,000.

Ang dalawang suspek ay nasa PDEA drug watchlist.

Show comments