Dating seaman itinumba

Dead-on-the spot dahil sa isang tama ng bala sa ulo mula sa hindi pa malamang kalibre ng baril ang biktimang si Pedro Talavera Mantes, 59, may-asawa at residente ng Purok-2, Brgy. Layon.
STAR/File

LIGAO CITY, Albay, Philippines — Bulagta sa ibabaw mismo ng motorsiklo ng kanyang tricycle ang isang dating seaman matapos barilin ng hindi nakilalang gunmen sa kahabaan ng city road ng Villa Rosita,Brgy.Tinago ng lungsod na ito kahapon ng umaga.

Dead-on-the spot dahil sa isang tama ng bala sa ulo mula sa hindi pa malamang kalibre ng baril ang biktimang si Pedro Talavera Mantes, 59, may-asawa at residente ng Purok-2, Brgy. Layon.

Sa ulat, dakong alas-8:00 ng umaga ay sakay ng kanyang tricycle ang biktima patungo sa ipinapatayong bagong bahay sa naturang lugar.

Habang binabagtas ang kahabaan ng kalsada nang barilin ng isa sa dalawang nakaabang na suspek sa ulo na agaran nitong ikinasawi.

Mabilis na tumakas patungo sa hindi malamang lugar ang gunman makaraang mapaslang ang biktima lulan ng hindi naplakahang motorsiklo.

Show comments