Tserman, apat pa niratrat ng NPA rebels

Kahit sugatan ay nagawang gumanti ng putok laban sa mga komunista si Valiente Diamos Mangubat,nasa hustong gulang, residente at kasalukuyang barangay kapitan ng Brgy.Villa Inocencio habang nakilala naman ang mga sugatang kasamahan nito na si Ramil Pagal Argawanon,42, Tedecio Quilong-Quilong Enero,57, Rei Canta ­Dietro, 26 at Marlon Ihis Areglo,17, pawang nasa mabuti ng kalagayan.
STAR/ File

PLACER,Masbate, Philippines — Nasugatan ang isang barangay kapitan at apat nitong kasama habang napatay ang isang hinihinalang kasapi ng New People’s Army sa naganap na ambush,kamakalawa ng hapon sa  Brgy.Tubod ng bayang ito.

Kahit sugatan ay nagawang gumanti ng putok laban sa mga komunista si Valiente Diamos Mangubat,nasa hustong gulang, residente at kasalukuyang barangay kapitan ng Brgy.Villa Inocencio habang nakilala naman ang mga sugatang kasamahan nito na si Ramil Pagal Argawanon,42, Tedecio Quilong-Quilong Enero,57, Rei Canta ­Dietro, 26 at Marlon Ihis Areglo,17, pawang nasa mabuti ng kalagayan.

Habang inaalam pa ang bangkay ng hinihina­lang rebelde na nakalagak sa punerarya.

Sa ulat, dakong alas-5:00 ng hapon naglalakad pauwi ang grupo ni Mangubat galing sa isang kainan nang bigla silang paulanan ng bala ng hindi nakilalang mga NPA.

Nasugatan ang mga biktima habang nakabunot naman ng kanyang baril si Mangubat at nakipagputukan sa mga komunista hanggang bumulagta ang suspek na kadre dahilan para tumakas ang mga kasamahan nito.

Nabawi sa NPA ang isang Kalibre 45,magazine at mga bala.

Show comments