MANILA, Philippines — Limang kalalakihan sa Lucena City at isang lola sa Albay ang naaresto ng mga otoridad sa magkahiwalay na anti-drug operation.
Batay sa ulat, isinagawa ang buy bust operation, alas-11:15 ng gabi at dito ay naaresto ang magkapatid na sina Hermie, 24; at Reymark Masinag, 25, Ariel Hernandez, 27, Neil Ron Coladilla, 23 at Mar Jay Halili, 29, pawang mga residente ng Purok Bagong Buhay, Barangay Ibabang Talim, Lucena City.
Nasamsam sa mga suspek ang mga pinatuyong dahon ng marijuana na nagkakahalaga ng P360,000.00.
Sa Tabaco City, Albay ay naaresto ang 65-anyos na lola na si Sonia Gravamen Berces, kilala sa alyas na “Lola Sonia”, residente ng Purok-5, Brgy. Cormidal.
Sa ulat, alas-5:26 ng hapon ay kumagat ang suspek sa inilatag na buy bust operation ng mga otoridad at nang iabot ni Lola Sonia ang biniling isang plastic sachet ng shabu na nagkakahalaga ng P3,500 sa poseur buyer ay mabilis itong inaresto.— Jorge Hallare