^

Probinsiya

Bicol international airport bubuksan sa Oktubre - DOTr

Mer Layson - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Inanunsiyo ng Department of Transportation (DOTr) na ang Bicol International Airport (BIA) sa Daraga, Albay ay nasa 90% nang kumpleto ang konstruksyon at inaasahang magbubukas na ito sa publiko sa darating na Oktubre.

Personal na nagtungo si Transportation Sec. Arthur Tugade sa ginagawang pali­paran nitong Biyernes upang inspeksiyunin ang proyekto na magsisimulang mag-operate sa Oktubre, 2021.

Nabatid na 25-taon na ang nakakaraan nang simulan ang pre-feasibility study para sa paliparan, ngunit ang aktwal na konstruksyon ay nagsimula lamang noong huling yugto ng 2016.

Pinasalamatan ni Tugade ang mga construction workers na tumulong upang kaagad na matapos ang proyekto sa kabila ng mga pagsubok.

Nabatid na ang BIA ay mayroong laking 145 hectares land area at habang 335 meters na runway strip. Mas pinalawig ang Passenger Terminal Building (PTB) at kaya na nitong mag-accommodate ng hanggang dalawang milyong pasahero taun-taon.

Anang DOTr, ang CAAP ay patuloy na nagsasagawa ng mga aktibidad gaya ng technical inspections at validation efforts, upang masiguro na ang BIA ay compliant sa standards ng International Civil Aviation Organization (ICAO), at kumpleto ang mga ka-gamitan at pasilidad nito para ligtas at maayos  na makapag accommo­date ng flights.

Inaasahan ng DOTr na magsisimula ang day operations ng BIA sa Oktubre samantalang magiging handa naman ito para sa night operations sa Nob-yembre.

BIA

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with