^

Probinsiya

‘Bata’ ni Gov. Ortega tinarget ng ‘gun-for-hire’

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Isang tauhan ng Bureau of Jail Management and Penology (BJMP) ang inaresto dahil sa umano’y tangkang pagpatay sa executive assistant ni La Union Gov. Francisco Emmanuel Ortega III kasabay ng pagkakabunyag sa “assassination plot” laban sa isang kongresista at dalawang mayor sa naturang lalawigan.

Sa ulat ng La Union Police Provincial Office sa San Fernando City, nagsampa ng reklamong “attempted murder” si Justino Casuga, executive assistant ni Ortega laban kay Jail Officer 1 (JO1) Juanito Estrebor II, nakatalaga sa Quezon City Jail noong Hulyo 25, 2021 matapos maaktuhan umanong armado at paikut-ikot sa labas ng bahay nito.

 Si Casuga ay may pagbabanta umano sa kanyang buhay kaya’t agad siyang humingi ng security aides sa pulisya.

Kaugnay nito, naa­larma ang anti-crime group na Crusaders for Peace sa tumitinding karahasan sa probinsya na nagpalakas sa hinalang ang nasa likod nito ay ang isang gun-for-hire group na kinasasangkutan ng mga tiwaling pulis at military.

Nitong Hulyo 26, sumuko sa Philippine National Police (PNP) sa Camp Crame si da­ting Lt. Col. Wilson Magpali na sinasabing lider ng Magpali gun-for-hire group.

Ito’y matapos iutos ni Pangulong Duterte na tugisin ang lider ng sindikato sa Ilocos Region na umano’y binabayaran ng mga tiwaling politiko para pumatay at manggulo ngayong papalapit na ang 2022 election.

Ilang galamay ng Magpali assassination squad ang nadakip ng La Union Police at nahulihan ng mga armas at kagamitan bago pa naisakatuparan ang kanilang planong pagpatay. Natumbok din ng pulisya ang safehouse ng grupo sa tatlong bayan ng probinsya.

Inaalam pa kung iisang grupo ang nasa likod ng pagpatay kina Balaoan Vice Mayor Alfred Concepcion noong Nob. 14, 2018; Sudipen Mayor Alexander Buquing noong Oktubre 1 at dating Second District Rep. Franny Eriguel noong Mayo 12, na pawang hindi pa nalulutas ang kaso.

Isa rin umano sa target ng Magpali Gang ang biyuda ni Eriguel na si Rep. Sandra ­Eriguel na kilalang malapit kay Gov. Ortega.

GUN FOR HIRE

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with